 |
..a common man..
with common thoughts
leading a common life.. Pinanganak 22 araw at 4 na buwan bago naganap ang unang EDSA. Unang naging guro ang kanyang pamilya kung saan sya natuto magsalita ng MAMA, PAPA at P*t@!g INA....ay nde pa pala..masyadong fast forward...rewind...hayun, balik tau sa kwento Nag-aral sa Baesa Learning Center noong 2 taong gulang. Dito natuto syang magbasa, magsulat, mag ikot ng factory ng Royal Tru Orange, at magpanggap na baby Jesus sa kauna unahan niyang Stage Play kung saan sya ay naka...[picture baby jesus in a manger here]. Matapos maka "graduate" napagdesisyunan na ipatapon sa Gregorio Araneta University Foundation na ngaun ay nagpapanggap sa pangalang De La Salle-ARaneta University. Susie at Geno, Pinanood ang Titanic at Wizard of Oz, kumanta ng "Can you feel the love Tongiht", napakanta sa stage ng Christmas Carol, gumanap na Leon sa isang play. Matapos ang 1080 na morning programs, 16 beses pagakyat ng stage upang kumuha ng award, 6 na Christmas parties nakatapos at nakatuntong ng High School. International Philippine School in Riyadh. Public Private school. Hell daw ang IP...COOL!^_^ All boys muna ang drama. Nagtake ng Special arabic class nung 1st year, nakapanood ng "porn" legally nung 2nd year, nalaman ang salitang dysmenorrhea dahil coED na nung 3rd year, at naging SCO president nung 4th year. Naglaro ng Virus virus, Nakipag habulan kay Mr. Bacaraman, JS Proms, nakipag away dahil sa crush, inaway dahil sa crush. Florante at Laura, Rizal, mga bumuhay nung panahon ng high school Pumasok sa unibersidad na may hubad sa taft, manila nung college at kumuha ng kursong nde niya malaman kung ano. ASTEEG. Matapos ang 1 taon, naging katuta at ngaun ay bumalik sa pamantasan ni Imang at kumuha ng kursong nde masyadong in demand. Ngayon sya ay nage-enjoy sa kanyang sem break, nagpapalaki ng eyebags at nagmi-middle age crisis habang naghahanap ng raket upang maka punta ng disneyland. Isa lang ang msasabi niya sa mga tao: "I have TWO words for you..ANG LABO NIO =P
|
 |
 |
 |
 |
 |
 |
|
|
 |
 |
Tuesday, November 24, 2009
I spent most of my childhood without my parents by my side. Birthdays, Christmas, New Year most of the time wala sila. Pag may school programs wala din sila. Swerte na lang din kung sa recognition day ng school namin eh nakauwi sila.
I understand din naman our situation e. A typical filipino family. Both parents had to leave and go abroad to support their growing children. I'm not blaming anything or anyone. na blessed naman kami din naman so steady lang.
Sabi ko noon, I won't get a job na i wouldn't have time for my family and kids. Ung tipong i'll make sure na during birthdays, christmas, ung mga occassions baga na a parent or a partner should be there ay nde ko mami-miss. kahit papaano naiintindihan ko. eh pano kung ung iba nde makaintindi? pano kung nde nya magets na nde lang naman para sa akin un e kung nde para sa future namin together? paano kung magdemand ng magdemand to the point na exhausting na? lalo na kung may sisihan pa sa huli?
an ironic, I took nursing in college. 16 hours of duty, walang uwian lalo na pag may case study. may night duties pa. pagkatapos ayan ang review sa boards. sa local, sa nclex. lahat na. wala ng time.
And worst, I took medicine
ayan....eto na nga ...
Posted at 08:04 am by heyitsbryant
Permalink
Tuesday, November 17, 2009
In the Hands of the Potter
 "o bakit nde ka pumasok kahapon?"
yan ang tanong ng seatmate ko pagpasok ko kinabukasan. nagulat sya akala niya nde na ako papasok. pinag-pray ko pa naman daw ang pagkakataon na ito. isip ko tuloy, answer ba talga to sa prayer ko? bakit ang dami daming problema at palala ng palala. naalala ko tuloy ang kwento ng mga israelites nun. they asked for a king despite of God's warning to them. still naging persistent sila kaya hayun binigay Niya si Saul and what happened next? syempre nagkaproblema sila ng madami. nde kaya naging arrogant and conceited lang ako kaya naibigay sa akin to?
God reminded me on how we are on His hands like a potter. tutad nga ng isang clay sa kamay ng isang potter, He makes choices, based on His grace and mercy, either to break us or make us. minsan sinisira nya tayo upang maging isa tau sa mga best pots. is it still part of His plans? of course! Because through all these challenges and trials, God uses it to proclaim His power, making the riches of His glory known. Because we are no ordinary clay and not even ordinary jars. We are meant to be jars that are filled with treasures =)
"But we have this treasure in jars of clay to show that this all-surpassing power is from God and not from us. We are hard pressed on every side, but not crushed; perplexed, but not in despair; persecuted, but not abandoned; struck down, but not destroyed"
-2 Corinthians 4:7-9
asteeg di ba? ^_^
Posted at 08:23 am by heyitsbryant
Permalink
Monday, November 16, 2009
Sinong Pumapasok sa First Day of School?
Ewan ko ba. parang ayaw ko ng ituloy.isip ko kasi kung para sa akin ito bakit ang dami kong apprehensions? bakit ako nagsta-struggle ng ganito? It has been taking its toll on me ever since i started. nade-drain ako. taxing. nde lang financially kung nde physically, mentally, emotionally at kung ano ano pang -lly ang maiisip mo. ano pa ba ang kailangan ko gawin? pag nde puede gagawan ng paraan. pag nde talga puede intindihin. ganun lang naman di ba. masakit. ang sakit sakit na. gusto ko na lng na pumikit ang mga mata ko at wag ng idilat. at pagising ko parang wala na ang lahat. isang malaking panaginip. mababawi ko naman ang pera e. maaraing mas malaki pa. pero teka pano naman ako? isa lng naman ang sagot sa lahat ng ito e. L-O-A
I'm quitting T_T
Posted at 07:57 am by heyitsbryant
Permalink
Wednesday, November 11, 2009
Second Evolution, Second Chances
everyone deserves a second chance. kahit gaano pa kalala ang iyong nagawa, no body and no one should ever deprive you of a second chance. nde naman ibig sabihin na second chance is chance to change what you have done e. remember, in every action or choice that we make, certain consequences automatically follow. most of the time we can't help that and we have to shoulder the burden of these consequences. but nevertheless, though these happen, second chances allow us to somehow redeem ourselves on what we have done and if it is possible to correct what we have done wrong. but, most importantly, it allows us to learn on these mistakes that will make us a better person. para maiwasan uli ang pagkakamali. upang maipasa natin sa iba ang mga aral na natutunan natin. at upang tayo lumago bilang tao  gaya na lamang ng star ocean second evolution. isa sa mga RPG na nalaro ko sa playstation. I must admit, naging weak ako. nagpadala ako sa aking emosyon sa paglalaro. naging mainit ulo ko, nahumaling ako masyado, marami akong nabayaan. in the end nde ko rin sya natapos. ngunit akala ko wala na tapos na ang aking pagkakataon. salamat na laman at muling ni-remake eto ng Square-enix para sa PSP. eto na ang second chance ko. second chance kong matapos ang laro. sana eto na ^_^
Posted at 08:07 am by heyitsbryant
Permalink
Sunday, November 08, 2009
What The World Will Never Take
 CFC YFL Rock Youthfest 09 Jesus Rocks! ^_^
*********** thanks Enrik sa invite! hehehe
Posted at 07:34 am by heyitsbryant
Permalink
Thursday, November 05, 2009
Ilang buwan ding kami nagsama. sa bawat lakad, imposibleng mawala sya sa tabi ko. katuwang ko sya e. partner. masaya ako pag kasama ka. isa ka sa dahilan kung bakit ako nagigising araw araw at handang harapin ang hamon ng buhay. hindi mo ako iniwan umulan man o bumagyo alam ko na lagi ka andyan sa tabi ko. ngunit ano nga bang sukli ko sa pagmamahal na bigay mo? ilang beses na ba kitang nasaktan? nagalusan? ang mga sugat sa iyong katawan ang nagsisigawan kung gaano kita napabayaan at binalewala.
I'm letting her go
Not because i'm giving up on her but it's for our relationship to grow. It's for the best. It's not easy, I know, but i'm willing to wait. And when that day comes and she's ready, I'll be a better person. I'll be the person that she truly deserves. Not just for me or for just for anybody but most espescially for her.
 mabilis lang naman ang two weeks e. pag balik mo sa akin pagkagaling sa service center you're good as brand new. wala ng gasgas, wala ng galos, wala ng bangga^_^
see you in two weeks Penola T_T jujujuju
Posted at 06:27 am by heyitsbryant
Permalink
Sunday, November 01, 2009
 I was watching the movie 100 kanina. It was a story of a young, promising yuppie who was diagnose with cancer and learned that she only has at most 100 days to live. Instead of opting for any treatment and lose her hair in the process, she spent her remaining days to live out her life. ^_^. asteeg di ba? grabe ang bigat! iyak ako ng iyak sa movie! huhuhuh para kasing napaka peaceful ni joyce na mamatay. kudos to the writers, director and the artist. kinilabutan ako. espescially the last scene grabe! chills talga. nde ko mapigilian ang emosyon ko. napaligo tuloy ako ng wala sa oras hahaha  what if alam mo ang deadline ng kamatayan mo, what will you do? how are you going to spend it? siguro ung akin sisiguraduhin kog puno ng saya, pagpapatawad at pagmamahal. mga ganung tipong bagay. magba-bungee jumping ako, magro-road trip ako bahala na kung san mapunta, tatawagan ko lahat ng mga kaaway ko at hihingi ng tawad. mga ganung klase. sana pag nawala ako maalala ako ng mga tao nde lang bilang si PLUMBUM pero kung nde isang PLUMBUM na <insert adjectives here>. ung maganda ah! puede na rin ung bad. pero mas asteeg kung puro good. Plumbum na kaibigan, plumbum na kapatid, kaklase, anak, at bilang isang makabuluhang tao. nagmahal, nasaktan at nagmahal ulit. taong nadapa at bumangon muli upang harapin ang hamon ng buhay at sana pag dumating ang tima na un, isang sentence lang naman ang gusto kong marinig e para paniguradong solve na ako. Eto ay ang katagang: 'Well done, my good and faithful servant" ^_^
Happy All Saint's Day Everyone!
Posted at 09:21 am by heyitsbryant
Permalink
Friday, October 30, 2009
kung gusto mo  ako paiyakin, pasayahin mo ako. hindi mo ako mapapaiyak sa isang malungkot na bagay. uhmm, cguro kaunti pero kung gusto mo tlga akong umiyak, humagulgol at maglupasay, pasayahin mo ko. ung tipong emosyon na sobrang nakaktuwa, nakakaliw at nakaka touch (SABAY SABAY!...Awwwwww) i just realize, kaya cguro dun ako napapaiyak kasi bihira lang dumating ang masayang pangyayari sa buhay ng isang tao. sa buhay ko. nakakasawa na kasing umiyak sa bagay bagay na madalas mo namang nararanasan. numb na ika nga. haaay eto na naman ako must be the weather.
Posted at 12:46 am by heyitsbryant
Permalink
Wednesday, October 28, 2009
All the more reason to respect the female gender
 and be forever grateful that i am a MALE!
hahahahahaa =)
grabe! takong kung takong! deadly weapon! hehehe
Posted at 10:00 am by heyitsbryant
Permalink
Sunday, October 18, 2009
ok payn. dakilang late ako. sheez!
kasalanan ko bang malau ang school ko? kasalanan ko bang sobrang trapik?
cge na nga! nde na excuse un pero paano naman ako? huhuhuhu T_T
hindi na ako nagigising gamit ang alarm ng cell ko. iniba iba ko na nga ang ring tone. mula sa "..feels like insomina woooh ohh.." hanggang sa "please don't stop the music music music...". pati nga ung "...ang galing, galing mong sumayaw, galing mong gumalaw.." pinataos ko na pero wala e. nde talga ako magising. napapasayaw lng ako sa panaginip =)
pero dapat magbago na. nde tama ito e. lagi na lang ba akong male-late? lagi na lng ba ako maghahabol ng oras?
kung hindi NGAYON...kailan?
kung hindi AKO, sino?
KATARUNGAN para kay Ka Eddie!
oops...
teka nasobrahan ata hehehe
 may bago na akong alarm clock. ewan ko lang kung nde pa ako magising nito ah. bukas natin malalaman...bwahahahah =)
+++++++++++++ salamat kay john sa alarm clock. may discount ka pag doctor na ako heheeh =) asteeg ka!!!
Posted at 06:19 am by heyitsbryant
Permalink
|
 |
 |
 |
 |
 |
 |
|
|